Monday 5 November 2018

Kahapon at Ngayon


Image result for squad goals

Ang kahapong nagdaan
ay hindi malilimutan
ang sobrang kaligayahan
ay di matutumbasan


Maiksing sampung buwan
kay habang pinagsamahan
kay raming karanasan
na kay sarap balikbalikan


Bawat ngiti at tawanan
di maalis sa isipan
mga groupie at kakulitan
nagdulot ng kaligayahan


Bawat sulok ng silid
may hatid na pag-ibig
aliwalas ng paligid
sa sipag nating hinatid


walang sakit na nadama
bagkus ay puro saya
awit ng bawat isa
may pag-ibig na sariwa


Bakit nga ba kailangan
mawalay sa inyo kaibigan
ngayon ang aking karamay
ay sarili ko na lamang


Itong aking buhay
ay tila kay lumbay
mag-isa nalang tumawa
at mag-isa sa ligaya


sa ating pagkikita-kita
ako'y lubos na umaasa
gusto ko nang sumaya
ng kayo ang kasama

1 comment:

Kahapon at Ngayon

Ang kahapong nagdaan ay hindi malilimutan ang sobrang kaligayahan ay di matutumbasan Maiksing sampung buwan kay habang pinagsamahan ka...